So, speaking of patay.. ITO ang mga gusto kong mangyari kung saka-sakaling mamatay ako:
- Pag kamatay na pag kamatay ko gusto ko i-CREMATE agad ako. Ayoko ng hihiga sa ataul jusmeyo tsaka baka wala naman dumalaw sakin, kaya cremate na lang agad.
- Gusto ko isaboy ang aking abo, sa loob ng aming bahay (sa may malapit sa TV a?) sa kahit isang major sinehan lang at gusto ko gawing kahit anong aksesorya ng kahit na sinong natitira pang nagmamahal saken. Oo na! Ang weirdo ng naiisip ko. Pero pagbigyan mo na, please, patay na naman ako e. :P
- Gusto ko habang kine-cremate ako, lahat ng taong pupunta naka-PULA, favorite color ko kasi yun e. Tapos gusto ko pinapatugtog yung mga paborito kong kanta habang sinusunog yung katawan ko. LOL rakrakan na to! :PP
- At huli gusto ko lahat ng gamit ko na mapapakinabangan pa ay mas mapakinabangan pa ng mas nakakaraming tao. I-donate sa charity, ibigay sa mga mahihirap. :)
PS: Kung saka-sakaling binabasa mo to at ako ay sumakabilang buhay na, maari lamang na ipag-bigay alam sa mga natitirang tao na nagmamahal sakin na paki sunod ang mga sumusunod na iyong nabasa. Dahil kung hindi, ikaw ay mumultuhin ko. Okay? Maraming salamat! :P
No comments:
Post a Comment