- "Your flight is DEFINITELY cancelled" -- Ayan! Yan ang unang bumungad samin sa Airport papuntang Camsur. Unang mga reaksyon namin jan e, "Sayang! Aga ko pa naman gumising!", "Tara! Resort's World na lang tayo, o kaya Tagaytay o kaya BAGUIO!" at huli "Baka naman may next flight pa, maghintay na lang tayo". Salamat na lang at dun kami sa huling naisip namin mag-stick.
- Nakapagpa-book kami sa panibagong flight at destinasyon. Imbis na sa Naga kami lalapag e, sa Legaspi kami napadpad. Pero dahil na rin ata sa Bagyo ay mas nadagdagan pa yung magagandang experience, dahil nakita namin si Mayon ng malapitan, as in malapit talaga! Tapos nakain namin ang pinaka masarap na Bicol Express! Nakapagpa-picture din kami ng parang tanga pero nakakaaliw at nakakamangha na mga litrato. (Abangan niyo na lang yung litrato, maa-upload din yun mamaya.)
- Birthday ni BossTi kaya kami nagpunta dun, para mag-celebrate, Kaya alas dose ng madaling araw sa mismong araw ng birthday niya (hayyy, naguluhan ako sa tagalog ko. :PP ) ay sinorpresa namin siya.
- CWC: Camsur Watercomplex Center. (Teka, yan ba talaga meaning ng acronym dun? ) Basta ang naalaa ko lang dun e, yung bumalentong, sumemplang at humampas yung muka ko dun sa tubig dahil sa Wakeboarding tas pati yung Thrill, rush at excitement habang nagawa mo ng tama yung pagwe-wakeboard. Basta ang saya mag-wakeboard, ang sarap sa pakiramdam yung ambilis mong umaandar dun sa tubig, basta I feel infinite nung mabilis na yung takbo.
- WIPEOUT! Isa rin yan sa atraksyon dun sa CWC, di naman yan yung tawag dun pero pinangalanan na rin naming ganyan yan kasi parang ganon na din yun. :) Umakyat kami dun sa Iceberg na 5 feet lang ata ang haba pero hirap na hirap na hirap na hirap kami umakyat. Trampoline na mamatay na kami ata sa kakatawa kakatalon. Obstacle course na mukang madaling tignan, pero muka lang pala, kasi sobrang hirap niya.
- Food trip: Kelangan ko pa bang i-explain to? Basta kumain kami ng kumain ng kumain ng kumain ng kumain. At dahil dun halos lahat kami nag-dagdag ng timbang.
- Kung di kami nakapag-island hopping sa Caramoan dahil sa bagyo. Nakapag-Church hopping naman kami. Nakita ko yung Gold na Mama Mary dun sa Penafrancia. Naubusan nga ako na ng dasal kasi lima atang simbahan yung pinuntahan namen sa loob ng isang araw.
- Random funyy moments: Ang pag-utot ng parang wala ng bukas ni Kuya sa kwarto ng Hotel. Ang reaksyon ng muka ng mahulog si Yoda dun sa isang obstacle, at ang pagkasabi niya ng "TULUNGAN NIYO KO.." Ang pagka-LSS namin sa kantang "di lang masarap malinamnamnam pa!!!" Ang walk of shame namin dun sa pang-professional sa wakeboarding. Rosy cheeks na ko, hehe. Basta yung mismong makasama mo lang yung mga taong sobrang halaga sa'yo sa isang napaka gandang lugar, SOBRANG PRICELESS nun. :)
Hi Ako Peter! Di ako magaling magpakilala e. Basahin mo na lang to, para mas makilala mo ko ng tunay.
Monday, November 07, 2011
CAMSUR!
Ang susunod na mababasa niyo ang mga experience na aking nakatamtam sa tatlong araw na bakasyon mula sa Camsur.
Labels:
`
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment