Wednesday, November 30, 2011

Won't Last A Day Without You

Ang susunod na mababasa niyo ay ang aking review sa pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Wag kayong mag-alala, ta-try ko yung best ko, not to spoil the movie. :)

Deretsahan na. THIS IS ONE OF THE BEST ROMANTIC MOVIES, I'VE EVER WATCHED IN MY ENTIRE LIFE. Alam mo yung pakiramdam na, nasa middle ka palang nung palabas sa sinehan, sinisigaw na ng utak mo na "Sobrang ganda naman nitong palabas na to!"

Bakit ako sobrang nagandahan sa pelikulang ito?

  1. Una na jan syempre, Idol na idol ko si Sarah Geronimo! Lahat ng pelikula niya pinanood ko, FIRST DAY pa ng showing. Pero masasabi ko sa pelikulang to, sobrang nag-mature siya. Kasi meron ng  TOOT. Hehe. :)
  2. Isa na rin, dahil kay Mr. Joey de Leon. Parang breath of fresh air lang na makita siya sa isang pelikula na gawa ng Star Cinema/ABS-CBN. At isa pa,  SOBRANG galing niya. Dito ko lang talaga napatunayan kung gano siya ka-natural magpatawa't magpasaya ng tao.
  3. Isa sa mga inaabangan ko talaga sa pelikula e yung mga pamatay na linya! .Eto na yung pelikulang maraming linyang masarap kabisaduhin at alalahanin kasi tagos hangang buto ang pagkaganda.
  4. No. 1 na factor para saken kumbakit nagiging sobrang ganda ng isang pelikula ay dahil sa RELATEABILITY nito, at Masasabi kong todo pa sa sobra sobra ang pagka-relate ko. Lahat ng bitter at heartbroken, PERFECT sainyo tong pelikulang to. Hehe!
  5. Hindi ako makapaniwala na First film palang to ng Director na si Raz dela Torre. Napaka galing ng pagkakagawa! Maraming mga scenes na sobrang memorable at gumanda dahil sa kanya, lalo na yung ending, Galing galing ng pagkakagawa! This newbie Director is one to watch out for!
  6. Alam mo yung pakiramdam na ang ingay ng loob ng sinehan kasi sabay sabay nagtatawanan at kinikilig ang mga tao? The best lang yung pakiramdam na yun. Tapos isa lang to sa pelikulang nakita kong pumalakpak at naghiyawan ang mga tao sa ending dahil sa sobrang ganda ng pelikula. 
Kaya ano pang hinihintay mo, sugod na sa mga sinehan at sinasabi ko sa'yo SULIT NA SULIT ang ibabayad mo! :)

Monday, November 07, 2011

CAMSUR!

Ang susunod na mababasa niyo ang mga experience na aking nakatamtam sa tatlong araw na bakasyon mula sa Camsur.
  • "Your flight is DEFINITELY cancelled" -- Ayan! Yan ang unang bumungad samin sa Airport papuntang  Camsur. Unang mga reaksyon namin jan e, "Sayang! Aga ko pa naman gumising!", "Tara! Resort's World na lang tayo, o kaya Tagaytay o kaya BAGUIO!" at huli "Baka naman may next flight pa, maghintay na lang tayo". Salamat na lang at dun kami sa huling naisip namin mag-stick. 
  • Nakapagpa-book kami sa panibagong flight at destinasyon. Imbis na sa Naga kami lalapag e, sa Legaspi kami napadpad. Pero dahil na rin ata sa Bagyo ay mas nadagdagan pa yung magagandang experience, dahil nakita namin si Mayon ng malapitan, as in malapit talaga! Tapos nakain namin ang pinaka masarap na Bicol Express! Nakapagpa-picture din kami ng parang tanga pero nakakaaliw at nakakamangha na mga litrato. (Abangan niyo na lang yung litrato, maa-upload din yun mamaya.)
  • Birthday ni BossTi kaya kami nagpunta dun, para mag-celebrate, Kaya alas dose ng madaling araw sa mismong araw ng birthday niya (hayyy, naguluhan ako sa tagalog ko. :PP ) ay sinorpresa namin siya.  
  • CWC: Camsur Watercomplex Center. (Teka, yan ba talaga meaning ng acronym dun? ) Basta ang naalaa ko lang dun e, yung bumalentong, sumemplang at humampas yung muka ko dun sa tubig dahil sa Wakeboarding tas pati yung Thrill, rush at excitement habang nagawa mo ng tama yung pagwe-wakeboard. Basta ang saya mag-wakeboard, ang sarap sa pakiramdam yung ambilis mong umaandar dun sa tubig, basta I feel infinite nung mabilis na yung takbo. 
  • WIPEOUT! Isa rin yan sa atraksyon dun sa CWC, di naman yan yung tawag dun pero pinangalanan na rin naming ganyan yan kasi parang ganon na din  yun. :) Umakyat kami dun sa Iceberg na 5 feet lang ata ang haba pero hirap na hirap na hirap na hirap kami umakyat. Trampoline na mamatay na kami ata sa kakatawa kakatalon. Obstacle course na mukang madaling tignan, pero muka lang pala, kasi sobrang hirap niya.
  • Food trip: Kelangan ko pa bang i-explain to? Basta kumain kami ng kumain ng kumain ng kumain ng kumain. At dahil dun halos lahat kami nag-dagdag  ng timbang. 
  • Kung di kami nakapag-island hopping sa Caramoan dahil sa bagyo. Nakapag-Church hopping naman kami. Nakita ko yung Gold na Mama Mary dun sa Penafrancia. Naubusan nga ako na ng dasal kasi lima atang simbahan yung pinuntahan namen sa loob ng isang araw.
  • Random funyy moments: Ang pag-utot  ng parang wala ng bukas ni Kuya sa kwarto ng Hotel. Ang reaksyon ng muka ng mahulog si Yoda dun sa isang  obstacle, at ang pagkasabi niya ng "TULUNGAN NIYO KO.." Ang pagka-LSS namin sa kantang "di lang masarap malinamnamnam pa!!!" Ang walk of shame namin dun sa pang-professional sa wakeboarding. Rosy cheeks na ko, hehe. Basta yung mismong makasama mo lang yung mga taong sobrang halaga sa'yo sa isang napaka gandang lugar, SOBRANG PRICELESS nun. :)



Thursday, October 27, 2011

I always wanted to



Loyalty

lovequotesrus:

Photo Courtesy: inspiredbythisfeeling

You're not ugly, society is.

leilockheart:

http://365thoughts.tumblr.com

Tawa na lang tayo!

SLEEP

I love sleep. It's one of the best things about life. 
It gives you the power to instantly run away from your problems even just for a moment.
It gives you the energy you need to survive the day.
It gives you the peace of mind you need.
It relaxes you. It calms you.
BUT I CAN'T FUCKING FALL ASLEEP RIGHT NOW. 
Why? My mind won't stop thinking about stupid things that make me cry like a retard right now.
I just need a break. I just need to sleep. 
Please brain, let me sleep.

Wednesday, October 26, 2011

NEVER AGAIN

I swear to God I will never do what I did awhile ago.
Ohhh yes I still will, but I would've never reacted the same way ever again.
I should be happy. I must be happy. She's happy.
I'm not.

Tuesday, October 25, 2011

Music

I love music.
Well, who doesn't love music?

Monday, October 24, 2011

DEADS

Ayun galing akong lamay kagabi. Ngayon na lang ulit ako naka-dalaw sa patay at SUMILIP sa mismong patay at sobrang apektado ko sa nakita ko. AYOKO tumitingin sa ganon, nalulungkot lang ako ng di ko alam kung bakit.
So, speaking of patay.. ITO ang mga gusto kong mangyari kung saka-sakaling mamatay ako:

  • Pag kamatay na pag kamatay ko gusto ko i-CREMATE agad ako. Ayoko ng hihiga sa ataul jusmeyo tsaka baka wala naman dumalaw sakin, kaya cremate na lang agad.
  • Gusto ko isaboy ang aking abo, sa loob ng aming bahay (sa may malapit sa TV a?) sa kahit isang major sinehan lang at gusto ko gawing kahit anong aksesorya ng kahit na sinong natitira pang nagmamahal saken.  Oo na! Ang weirdo ng naiisip ko. Pero pagbigyan mo na, please, patay na naman ako e. :P
  • Gusto ko habang kine-cremate ako, lahat ng taong pupunta naka-PULA, favorite color ko kasi yun e. Tapos gusto ko pinapatugtog yung mga paborito kong kanta habang sinusunog yung katawan ko. LOL rakrakan na to! :PP
  • At huli gusto ko lahat ng gamit ko na mapapakinabangan pa ay mas mapakinabangan pa ng mas nakakaraming tao. I-donate sa charity, ibigay sa mga mahihirap. :)
PS: Kung saka-sakaling binabasa mo to at ako ay sumakabilang buhay na, maari lamang na ipag-bigay alam sa mga natitirang tao na nagmamahal sakin na paki sunod ang mga sumusunod  na iyong nabasa. Dahil kung hindi, ikaw ay mumultuhin ko. Okay? Maraming salamat! :P

PAG-IBIG

Being in a relationship is hard, you need to find time for your partner. You need to sacrifice things. You'll get hurt. But no matter how hard it is to make relationship work, the feeling of being in love is INCOMPARABLE.

Tawa ka dali. Kasi natawa ko dito e. :P

Ako ay...

Hi, ako ngapala si Peter Umali. Di ko alam kung pano ko ide-describe ang sarili ko ng matutuwa kang makinig sa mga sinasabi ko. Okay, pero susubukan kong mag-introduce ng sarili ko. SANA MA-AMUSE ka, kung sino ka mang nagbabasa nito.

  • Gumraduate ako sa kursong BS Psychology ngayon lang taon. Wala pa kong trabaho. Wala na ata akong balak magtrabaho. EWAN.
  • Tamad ako. Pero at least masaya ako. Masaya ako kapag wala ako ginagawa. Wala kasing stress. Walang dapat intindihin. Walang dapat asikasuhin. 
  • Mahal na mahal ko ang Pamilya ko, more than anything else in the whole universe. Yun na yun. 
  • NGSB - No GELPREN since birth ako. Maniwala ka! Bente anyos na ko pero wala pang nagtangkang mahalin ako ng todo. Okay na rin yun. Wala na naman ako magagawa e.
  • Binabasa mo to ngayon, AT sobrang natutuwa ako na binabasa mo to. Kaya tara friends na tayo! 

CHERRY POPPER

Okay,unang post dito sa BLOGGER kaya ganun yung title okay? kaya wag mag-isip ng masama.
Matagal ko ng naisipan gumawa ng account dito kasi:

  • Para may mapaglibangan.
  • Para kahit papano may mapag-labasan tong magulo kong utak.
  • E kasi wala akong ginagawa ngayon at bored ako.
  • Para masaya.