Wednesday, November 30, 2011

Won't Last A Day Without You

Ang susunod na mababasa niyo ay ang aking review sa pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Wag kayong mag-alala, ta-try ko yung best ko, not to spoil the movie. :)

Deretsahan na. THIS IS ONE OF THE BEST ROMANTIC MOVIES, I'VE EVER WATCHED IN MY ENTIRE LIFE. Alam mo yung pakiramdam na, nasa middle ka palang nung palabas sa sinehan, sinisigaw na ng utak mo na "Sobrang ganda naman nitong palabas na to!"

Bakit ako sobrang nagandahan sa pelikulang ito?

  1. Una na jan syempre, Idol na idol ko si Sarah Geronimo! Lahat ng pelikula niya pinanood ko, FIRST DAY pa ng showing. Pero masasabi ko sa pelikulang to, sobrang nag-mature siya. Kasi meron ng  TOOT. Hehe. :)
  2. Isa na rin, dahil kay Mr. Joey de Leon. Parang breath of fresh air lang na makita siya sa isang pelikula na gawa ng Star Cinema/ABS-CBN. At isa pa,  SOBRANG galing niya. Dito ko lang talaga napatunayan kung gano siya ka-natural magpatawa't magpasaya ng tao.
  3. Isa sa mga inaabangan ko talaga sa pelikula e yung mga pamatay na linya! .Eto na yung pelikulang maraming linyang masarap kabisaduhin at alalahanin kasi tagos hangang buto ang pagkaganda.
  4. No. 1 na factor para saken kumbakit nagiging sobrang ganda ng isang pelikula ay dahil sa RELATEABILITY nito, at Masasabi kong todo pa sa sobra sobra ang pagka-relate ko. Lahat ng bitter at heartbroken, PERFECT sainyo tong pelikulang to. Hehe!
  5. Hindi ako makapaniwala na First film palang to ng Director na si Raz dela Torre. Napaka galing ng pagkakagawa! Maraming mga scenes na sobrang memorable at gumanda dahil sa kanya, lalo na yung ending, Galing galing ng pagkakagawa! This newbie Director is one to watch out for!
  6. Alam mo yung pakiramdam na ang ingay ng loob ng sinehan kasi sabay sabay nagtatawanan at kinikilig ang mga tao? The best lang yung pakiramdam na yun. Tapos isa lang to sa pelikulang nakita kong pumalakpak at naghiyawan ang mga tao sa ending dahil sa sobrang ganda ng pelikula. 
Kaya ano pang hinihintay mo, sugod na sa mga sinehan at sinasabi ko sa'yo SULIT NA SULIT ang ibabayad mo! :)

3 comments:

  1. ate....na spoil ako!!nagets ko ata ang 'toot'..huhuhu..,can't wait to watch!!hahaha..kinikilig ako sa mga tweets plang ng mga tao..uunahin ko to kesa mission impossible kahit mas mahal ko si tom cruise..hehehe

    ReplyDelete
  2. Hinayups! Lalaki po ako. AHAHAHA! :)
    Pa-sensya naman kung na-spoil kita dun, pero wala yung nalaman mo, compared to what the movie is really all about. Kaya nood ka na. BTW, di pa showing Mission Impossible. Next week pa ata. AHAHAA! :)

    ReplyDelete
  3. oo nga ngkamali ako sa mission impossible..haha..at sorry po inate kita.,kuya..hehe..at napanood ko na rin ang movie!!!papanoorin ko uli!!!haha..the best tlga abs pg rom-com

    ReplyDelete